Kahoy mang babad sa tubig, sa apoy ay huwag ilapit,
At pag ito'y nag-init, sukdulang magririkit!
Paliwanag: Ano mang bait ng tao kung siya ay malapit palagi o kaya ay buyuhin sa tukso, at hindi lalayo rito, siguradong bibigay siya rito.
Aral mula sa Biblia: Genesis 39:12 "At siya'y pinigilan niya sa kaniyang suot, na sinasabi, Sipingan mo ako: at iniwan niya ang kaniyang suot sa kamay niya at tumakas, at lumabas." (salin mula sa "Tagalog Ang Biblia")
"At pinigilan ng asawa ni Pothipar si Jose sa kanyang balabal, at sinabi, sipingan mo ako: at iniwan ni Jose ang kanyang balabal sa kamay ng babae (asawa ni Pothipar), at lumisan, at lumayo sa dakong yaon." (sariling salin)
Isang Kuwento:
Itago na lamang natin sa pangalang Peter Maknat ang taong ito na nakaranas ng katulad ng naging karanasan ni Jose na anak ni Jacob.
Peter M: "Panginoon, ayaw ko na pong magkasala kaya maghubo't hubad man ang babaeng ito sa harap ko ay kaya kong tiisin! Kaya pipikit na lang po ako para hindi ko siya makita..."
(Makalipas pa ang kalahating oras)
Peter M: "Panginoon, ayaw ko na pong magkasala kaya kahit na nakahubo't hubad man ang babaeng ito sa harap ko ay kaya kong tiisin! Pipikit na lang po ako para 'di ko siya makita..."
(Makalipas pa ang isang oras)
Peter M: "Panginoon, ikaw naman ang pumikit!"
-----------------------------------------------------
Tayo po kaya, papipikitin din ba natin ang Panginoon sa oras ng tukso o lalayo tayo sa tukso? Gayahin natin si Jose na anak ni Jacob, takbo na palayo!
-oOo-
Siyang Tunay!
ReplyDeletesalamat po. Glory to God.
ReplyDelete