“Bibilis kung babagalan,
Babagal kung bibilisan!” Isang Kuwento: Si Johnny Tanggo ay pumitas ng isang buwig na niyog, natanggal na sa tangkay dahil isa-isa niya itong pinitas sa puno. Inipon niya ito at labindalawang piraso lahat. Pinilit niyang sakupin sa kanyang dalawang braso ang 12 niyog upang dalhin sa kanyang kubo na halos 100 hakbang lang ang layo mula sa kanyang kinatatayuan. Habang naglalakad ay may nahuhulog na niyog at pilit naman niyang binabalikan. Anim na ulit na pabalik-balik at hindi pa rin siya nakakaalis sa lugar na kinahuhulugan ng mga niyog. Kaya sa halip na mapabilis ay lalong bumabagal ang pakay niyang dalhin ang mga niyog sa kubo niya sa malapit lang. Mahigit isang oras siyang ganoon. Kinalaunan ay nagkaisip naman itong si Johnny. Kaya ang ginawa niya, dala-dalawa niya itong dinala sa kubo (tig-isa sa bawa't kamay), anim na balikan lamang at wala pang kalahating oras ay nailipat niya ang lahat ng niyog sa kubo. Sa kuwentong iyan nabuo itong salawikain. -oOo- | ||
Thursday, April 25, 2013
Salawikain: "Bibilis Kung Babagalan..."
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment