Hampas ng alon sa dalampasigan,
Pahimaton ng buhay na hahantungan; Panahon ng sigwang kubkob ng kadiliman, Unos ay nagngangalit haka mang matakpan - Haplit ng sandaling bumabalot sa takipsilim, Habagat sa pusikit ay dadaluhong sa lihim; Itinakwil sa hamon, isang himok ng hangin, Alumpihit na tumbalik mapait ma'y kakamtin - Waring nakantindig sa balag na balaraw, Tikom ang mga labi sa alimpuyong mapanglaw; Hindi makatunghay bantang sikat ng araw, Adhikang mabanaag ng hunyangong uhaw - Datapuwa't sa pisngi ng ilang makikita, Sumpa ng tadhana sundang ang kapara; Nakaambang sandali panahon ang huhusga, Sa imbi'y naghihintay, ligaw na kaluluwa! ------------------------------------------------------------ Kadalasan ang tao ay marupok at hindi nakakahatol ng tamâ o akmâ sa kanyang mga ginagawâ. Maraming ulit na nagkakasalâ at nagkakamalî subali't patuloy pa ring nabubuhay sa kasalanan at kamalian. Tila isang troso na walang mapaggamitan at ihinahampas lamang ng agos ng ilog na walang kahahatungan. Tulad niya ay isang taong walang pananampalatayâ at hindi sinasaliksik at hindi rin natatalos ang tunay na kalooban ng Lumikhâ. Siya ay naghihintay na lamang ng kapahamakan ng kanyang kaluluwa. -oOo- | ||
Thursday, April 11, 2013
Ligaw Na Kaluluwa
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
ganda! pero favorite ko pa rin po ang palayok at ang malupit na kulangot.he he
ReplyDelete