Sino ang makakakita ng mabuting ina?
Higit sa anumang yaman ang kanyang halaga
Nagpapasakop siya sa kanyang asawa
At lubos na nagmamahal sa mga anak niya -
Ang katulad ng ina ay isang ilawan
Nagbibigay liwanag sa isang tahanan
Lubos ang tiwala sa Diyos na maylalang
Siya ay nagsisilbing mabuting huwaran -
Hindi siya nagkukulang sa pag-aarugâ
Sa mga anak niya siya'y kumakalingà
Sa kanyang asawa ay handang tumalimà
Sa tahanan siya'y gumagawang may kusà -
Katuwang ng ama sa paghahanapbuhay
Gumigising bago pa magbukang-liwayway
Siya ay matiyaga at masayang nagsisikhay
Sa nangangailanga't dukhâ, siya'y mapagbigay -
Karununga'y bumubukal sa kanyang mga labì
Kagandahang loob sa puso niya'y humahabì
Ang masamang diwa sa kanya'y 'di sumagì
Ang kanyang katapatan ay mamamalagì -
Siya'y unang gurò sa kanyang mga anak
Nang sa karunungan sila ay lumawak
Sa pagsulat, pagbasa, at mga gintong aral
Pati sa pananalitâ at kabutihang asal -
Ang kanyang asawa'y tunay na mapalad
Sa isang kabiyak na walang katulad
Sa kalusugan o karamdaman, sagana o tagsalat
Nanatitiling mapagbatâ, kalakip ay pasalamat -
Kaybuti ng Diyos sa biyayang inilaan,
Na may isang ina sa bawa't tahanan;
Nararapat lamang na ating parangalan
At pasalamatan -- ang ILAW ng Tahanan!
-oOo-
Mga Likha ng Apo ni Balagtas
Friday, April 26, 2013
Thursday, April 25, 2013
Mga Pagpapalà
Nananalangin ng pagpapalà
Nananalanging maging payapà
Maging panatag buong pamilya
At sa pagtulog ay bantayan N’ya -
Nananalangin ng kagalingan
Nananalanging bigyan ng yaman
At ang kamay Mo nga ay idampî
Upang malunasan ang pighatî -
Sa kabila nang Iyong narinig
Pinagpala kami at inibig
Nguni’t di ayon sa aming nais
Kun’di kami’y gawing mapagtiis -
Nananalangin ng karunungan
Maging ang tinig Mo’y mapakinggan
Naghihinagpis sa ’ming dalangin
Pag ’di dama na Ika’y kapiling
Alinlangan sa kabutihan Mo
Alinlangan sa pagmamahal Mo
Para bang Salita Mong pangakò
Ay ’di sapat upang mapanutò
At sa lahat ng mga sandalî
Naririnig Mo ang mga hikbî
Nguni’t mabagal na umunawâ
Kulang sa pananampalatayâ
Paano kung ang ‘yong kaibigan
Ika’y pinagtaksila’t iniwan
Paano na kung ang kadiliman
Ang tumatabon sa kalangitan
Sa ating puso’y umuukilkil
Ang pighati nito’y humihimpil
At hindi ito ang ating hinggil
Hindi tayo rito humihimpil
Paano kung ang ’Yong pagpapala
Sa patak ng ulan nagmumula
Pa’no kung ang ’Yong kagalingan
Ay luha ang pinangagalingan -
Paano kung isanlibong gabi
Di makatulog, ’di mapakali
Ang kailangan na s’yang mangyari
Para mapalapit sa ’Yong tabi -
Paano kung ang mga pagsubok
Sa buhay natin ang s’yang hihimok
Ay ang Kanyang mga pagpapalà
Upang kamtin ang Kanyang biyayà -
Paano kung ang ating pagkabigô,
Mga hapis ay nagpapasukò,
Ay makatighaw ng pagkauhaw
At magbigay ng kapanatagan
Paano kung ang mga pagsubok
Mga bagyo at gabing bantulot
Ay ang Kanyang mga pagpapalà
Upang kamtin ang Kanyang biyayà!
-oOo-
Nananalanging maging payapà
Maging panatag buong pamilya
At sa pagtulog ay bantayan N’ya -
Nananalangin ng kagalingan
Nananalanging bigyan ng yaman
At ang kamay Mo nga ay idampî
Upang malunasan ang pighatî -
Sa kabila nang Iyong narinig
Pinagpala kami at inibig
Nguni’t di ayon sa aming nais
Kun’di kami’y gawing mapagtiis -
Nananalangin ng karunungan
Maging ang tinig Mo’y mapakinggan
Naghihinagpis sa ’ming dalangin
Pag ’di dama na Ika’y kapiling
Alinlangan sa kabutihan Mo
Alinlangan sa pagmamahal Mo
Para bang Salita Mong pangakò
Ay ’di sapat upang mapanutò
At sa lahat ng mga sandalî
Naririnig Mo ang mga hikbî
Nguni’t mabagal na umunawâ
Kulang sa pananampalatayâ
Paano kung ang ‘yong kaibigan
Ika’y pinagtaksila’t iniwan
Paano na kung ang kadiliman
Ang tumatabon sa kalangitan
Sa ating puso’y umuukilkil
Ang pighati nito’y humihimpil
At hindi ito ang ating hinggil
Hindi tayo rito humihimpil
Paano kung ang ’Yong pagpapala
Sa patak ng ulan nagmumula
Pa’no kung ang ’Yong kagalingan
Ay luha ang pinangagalingan -
Paano kung isanlibong gabi
Di makatulog, ’di mapakali
Ang kailangan na s’yang mangyari
Para mapalapit sa ’Yong tabi -
Paano kung ang mga pagsubok
Sa buhay natin ang s’yang hihimok
Ay ang Kanyang mga pagpapalà
Upang kamtin ang Kanyang biyayà -
Paano kung ang ating pagkabigô,
Mga hapis ay nagpapasukò,
Ay makatighaw ng pagkauhaw
At magbigay ng kapanatagan
Paano kung ang mga pagsubok
Mga bagyo at gabing bantulot
Ay ang Kanyang mga pagpapalà
Upang kamtin ang Kanyang biyayà!
-oOo-
Salawikain: "Bibilis Kung Babagalan..."
“Bibilis kung babagalan,
Babagal kung bibilisan!” Isang Kuwento: Si Johnny Tanggo ay pumitas ng isang buwig na niyog, natanggal na sa tangkay dahil isa-isa niya itong pinitas sa puno. Inipon niya ito at labindalawang piraso lahat. Pinilit niyang sakupin sa kanyang dalawang braso ang 12 niyog upang dalhin sa kanyang kubo na halos 100 hakbang lang ang layo mula sa kanyang kinatatayuan. Habang naglalakad ay may nahuhulog na niyog at pilit naman niyang binabalikan. Anim na ulit na pabalik-balik at hindi pa rin siya nakakaalis sa lugar na kinahuhulugan ng mga niyog. Kaya sa halip na mapabilis ay lalong bumabagal ang pakay niyang dalhin ang mga niyog sa kubo niya sa malapit lang. Mahigit isang oras siyang ganoon. Kinalaunan ay nagkaisip naman itong si Johnny. Kaya ang ginawa niya, dala-dalawa niya itong dinala sa kubo (tig-isa sa bawa't kamay), anim na balikan lamang at wala pang kalahating oras ay nailipat niya ang lahat ng niyog sa kubo. Sa kuwentong iyan nabuo itong salawikain. -oOo- | ||
Monday, April 22, 2013
Siyam Na Kamaliang Dapat Iwasan
(Siyam na Tanagà)
Ang ikaw ay magsisi
Sa kahapong nangyari
'Di mo na ma'babalik
'Di na dapat maulit -
Ang ika'y mag-alala
Ngayo'y iyong problema
Kalutasa'y darating
Kahit 'di mo pilitin -
Ang malumbay sa bukas
Na 'di pa nababakas
Hindi mo matitiyak
Hanggang 'di mo pa hawak -
Gawa'y pinagpaliban
Ngayon dapat matapos
'Di 'sinaalang-alang
Panaho'y kinakapos -
Galit sa nagtagumpay
Sa halip umalalay
Inggit ay pumapatay
Alisin sa 'ting buhay -
Pagpulà sa 'ting kapwà
Hanap lang ay 'di tamà
Sa halip na matuwâ
Sa buhay n'yang payapà -
Inis sa kabataan
Sa kilos nilang mangmang
Sila rin ay gugulang
May mabuting isipan -
Sa bansa ay bantulot
Bukas ba'y ano'ng dulot
Bakit hindi tumulong
Upang bansa'y sumulong -
Walang paniniwalà
Sa Kanyang pagpapalà
Lahat ay magagawâ
Ng D'yos nating lumikhâ!
-oOo-
Ang ikaw ay magsisi
Sa kahapong nangyari
'Di mo na ma'babalik
'Di na dapat maulit -
Ang ika'y mag-alala
Ngayo'y iyong problema
Kalutasa'y darating
Kahit 'di mo pilitin -
Ang malumbay sa bukas
Na 'di pa nababakas
Hindi mo matitiyak
Hanggang 'di mo pa hawak -
Gawa'y pinagpaliban
Ngayon dapat matapos
'Di 'sinaalang-alang
Panaho'y kinakapos -
Galit sa nagtagumpay
Sa halip umalalay
Inggit ay pumapatay
Alisin sa 'ting buhay -
Pagpulà sa 'ting kapwà
Hanap lang ay 'di tamà
Sa halip na matuwâ
Sa buhay n'yang payapà -
Inis sa kabataan
Sa kilos nilang mangmang
Sila rin ay gugulang
May mabuting isipan -
Sa bansa ay bantulot
Bukas ba'y ano'ng dulot
Bakit hindi tumulong
Upang bansa'y sumulong -
Walang paniniwalà
Sa Kanyang pagpapalà
Lahat ay magagawâ
Ng D'yos nating lumikhâ!
-oOo-
Tuesday, April 16, 2013
Salawikain: "Ang Hindi Magmahal..."
"Ang hindi magmahal sa sariling wika,
Masahol pa sa hayòp at malansang isda."- Gat Jose Rizal
Walang wika ang mga hayòp at sa lahat ng ating kinakain, ang isda ang pinaka-pangkaraniwan, pero kapag malansa ay kinasusuklaman natin.
Ang taong hindi nagmamahal sa sariling wika ay masahol (worse) pa sa dalawang nabanggit.
-oOo-
Masahol pa sa hayòp at malansang isda."- Gat Jose Rizal
Walang wika ang mga hayòp at sa lahat ng ating kinakain, ang isda ang pinaka-pangkaraniwan, pero kapag malansa ay kinasusuklaman natin.
Ang taong hindi nagmamahal sa sariling wika ay masahol (worse) pa sa dalawang nabanggit.
-oOo-
Isipang Alumpihit
(Anim na Tanagà*)
Pilit na inaarok
Hangganan ng balantok
Katayugan ng bundok
Sa isipa'y himutok –
Yumayakap sa hangin
Animo ay may piring
Ang pagsamo ay dinggin
Isipan ay nahaling –
Nilulan ng karimlan
Lalim ng karagatan
Perlas na walang kinang
Isip ay natabunan –
Ang bantog na balakyot
Agaran sa paglimot
Awa ay inaamot
Sa isip kinukutkot –
Sugat mang balantukan
Pilit na tatalupan
Pilit na lilinisan
Pilit na lulunasan –
Isipang alumpihit
Walang anumang rikit
Isipang alumpihit
Taong walang bait!
(Lumalarawan ang mga tanagang ito sa taong salawahan ang isip na kailan man ay hindi magtatamo ng anuman sa kanyang mga mithiin.)
*Tanagà - tulang may apat na taludtod na may tigpipitong pantig
Pilit na inaarok
Hangganan ng balantok
Katayugan ng bundok
Sa isipa'y himutok –
Yumayakap sa hangin
Animo ay may piring
Ang pagsamo ay dinggin
Isipan ay nahaling –
Nilulan ng karimlan
Lalim ng karagatan
Perlas na walang kinang
Isip ay natabunan –
Ang bantog na balakyot
Agaran sa paglimot
Awa ay inaamot
Sa isip kinukutkot –
Sugat mang balantukan
Pilit na tatalupan
Pilit na lilinisan
Pilit na lulunasan –
Isipang alumpihit
Walang anumang rikit
Isipang alumpihit
Taong walang bait!
(Lumalarawan ang mga tanagang ito sa taong salawahan ang isip na kailan man ay hindi magtatamo ng anuman sa kanyang mga mithiin.)
*Tanagà - tulang may apat na taludtod na may tigpipitong pantig
Thursday, April 11, 2013
Ligaw Na Kaluluwa
Hampas ng alon sa dalampasigan,
Pahimaton ng buhay na hahantungan; Panahon ng sigwang kubkob ng kadiliman, Unos ay nagngangalit haka mang matakpan - Haplit ng sandaling bumabalot sa takipsilim, Habagat sa pusikit ay dadaluhong sa lihim; Itinakwil sa hamon, isang himok ng hangin, Alumpihit na tumbalik mapait ma'y kakamtin - Waring nakantindig sa balag na balaraw, Tikom ang mga labi sa alimpuyong mapanglaw; Hindi makatunghay bantang sikat ng araw, Adhikang mabanaag ng hunyangong uhaw - Datapuwa't sa pisngi ng ilang makikita, Sumpa ng tadhana sundang ang kapara; Nakaambang sandali panahon ang huhusga, Sa imbi'y naghihintay, ligaw na kaluluwa! ------------------------------------------------------------ Kadalasan ang tao ay marupok at hindi nakakahatol ng tamâ o akmâ sa kanyang mga ginagawâ. Maraming ulit na nagkakasalâ at nagkakamalî subali't patuloy pa ring nabubuhay sa kasalanan at kamalian. Tila isang troso na walang mapaggamitan at ihinahampas lamang ng agos ng ilog na walang kahahatungan. Tulad niya ay isang taong walang pananampalatayâ at hindi sinasaliksik at hindi rin natatalos ang tunay na kalooban ng Lumikhâ. Siya ay naghihintay na lamang ng kapahamakan ng kanyang kaluluwa. -oOo- | ||
Subscribe to:
Posts (Atom)